“MANANAGOT ang may sala, kahit tauhan ko pa siya!”
Ito ang mariing pahayag ni Customs Commissioner Ruffy Biazon tungkol sa kanyang security detail na isang miyembro ng Philippine Marines matapos itong mamaril ng tatlo katao sa mismong Liberal Party meeting ng kanyang amang si Sen.Pong Biazon sa lungsod ng Muntinlupa.
Kinilala ang suspek na si Marine Corporal Nelson Ray Lubrin,28 anyos na securty escort ng nakababatang Biazon, habang ang mga biktima ng pamamaril ay mga security aide naman ng nakatatandang si Rep. Rodolfo Biazon na nakilalang sina Oscar Parahili,32 anyos ,Nilo Marollano 53 anyos at Victor Marollano,31,pawang mga residente ng Putatan,Muntinlupa.
Ayon sa pulisya, dakong alas 10 ng gabi nuong Abril 26 ay nagdaraos ng miting sina Biazon at mga kapartido sa isang covered court sa Soldiers Hills ,ng biglang umalingawngaw ang tatlong putok
ng baril kung saan makaraan ang ilang sandali ay nakabulagta na ang mga sugatang biktima na pinutukan n Lubrin na agad tumakas sa lugar.
itinakbo naman sa Asian Hospital ng Customs chief ang mga biktima kung saan ginagamot ang mga ito sa kasalukuyan. Makalipas ang walong oras ay isinuko ni Col.Fernando Gomez, assistant chief of staff for Intelligence ng Phil.Navy,ang suspek na si Lubrin sa Muntinlupa Police ,pati na ang baril nito na ginamit sa pamamaril.
Napag-alaman na ilang sandali bago naganap ang pamamaril ay pinagtulungan ng tatlong biktima na gulpihin ang suspek kayat napilitan itong bumunot ng baril at putukan ang mga ito. Isang matagal ng altan ang nakikitang dahilan na namagitan sa mga ito na nauwi sa basag-ulo kahit nasa trabaho at nagbabatay ng kanilang mga amo.