PATAY ang isang babae matapos barilin sa mata ng di nakilalang salarin sa Baseco, Port Area, Maynila.
Nakilala lamang sa pangalang si Rose Pacquiao ang biktima at tinatayang nasa edad na 20 hanggang 25, balingkinitan, may taas na 5” hanggang 5”2, mahaba ang buhok, nakasuot ng pink sleeveless undershirt at itim na maong short pants.
Sa report ni PO3 lestrer Evangelista, dakong alas 3:30 kahapon ng maganap ang insidente sa kahabaan ng iskinita sa Blk.15, sa nasabing lugar.
Nabatid na nakita na lamang ng dalawang barangay tanod ang biktima na duguan at may tama sa itaas na bahagi ng kanyang mata kaya agad itong itinakbo sa Gat Andres Hospital kung saan inabutan ito ng kamatayan.
Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente na hinihinalang droga ang dahilan ng pagbaril sa biktima.