Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

200 bahay sinira ng buhawi sa Tarlac, 1,000 katao apektado

$
0
0

DUMULOG ang may 1,000 katao sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang umaga (Mayo 6) dahil sinira ng isang malakas na buhawi ang may 200 kabahayan sa limang lugar sa Tarlac.

Sa ipinosteng website, sinabi ng NDRRMC na naganap ang pananalasa ng buhawi dakong 3 p.m. nitong nakaraang Biyernes sa Paniqui town at naapektuhan ang Barangay Ventinilla, Cabayaoasan, Tablang, Salumangue, at Ncamarinanan villages.

Sinabi pa sa ulat, na naapektuhan ng buhawi ang may 254 pamilya o 1,095 katao, kabilang ang 169 pamilya o 753 katao sa Ventinilla, 5 pamilya o 14 katao sa Cabayaoasan, 13 pamilaya o 44 katao saTablang, 58 pamilya o 248 katao sa Salumangue, at 9 pamilya o 36 katao sa Ncamarinanan.

Habang 205 kabahayan ang nasira at 49 naman ang nawasak, ayon pa sa ulat.

Sa 49 kabahayan na nasira ng buhawi, 24 ay sa Ventinilla, 2 sa Cabayaosan, 2 sa Tablang, 11 sa Salumangue, at 7 sa Nicamarinanan. Sa nasirang 205 kabahayan, 142 ay sa  Ventinilla, 3 sa Cabayaoasan, 11 sa Tablang, 47 sa Salumangue, at 2 sa Ncamarinanan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129