LIMA katao ang namatay habang apat pa ang nasugatan nang magbuga ng makapal na puting usok at mga bato ang Mayon volcano sa Bicol region kaninang umaga (Mayo 7).
Sinabi sa ulat, na sa apat na limang biktima na hindi nakuha ang mga pangalan ay mga foreign tourists habang ang isa naman ay isang Pinoy na tourist guide.
Nasa kritikal na kondisyon naman ang isa sa apat na nasaktan na hindi rin nakuha ang pangalan kabilang ang isa pang tourist guide na si Kenneth de Salva.
Sa ulat, naganap ang insidente pasado 8:05 ng umaga.
Kuwento ni De Salva, tatlo silang tour guide habang lima naman ang sinamahan nilang turista sa paglalakad sa paanan ng mount Mayon.
Pero maya-maya lamang, nakarinig sila ng pagdagundong ng lupa na sinundan ng pagbagsak ng mga pira-pirasong bato na ang ilan ay sing-lalaki ng pakwan.
Halos silang lahat ay hindi na aniya nagawang ilagan ang pagbagsak ng mga malalaking bato dahil sa dami ay hindi nila alam kung paano ito ilagan.
Tatlong rescue teams na ang ipinadala ngayon sa lugar para iligtas ang mga sugatan, ayon kay Albay Governor Joey Salceda.
Nasaksihan ng mga residente ang ash column na mula sa bubig ng bulkan.
“We were starting our prayer and somebody spotted it. It was really beautiful,” pahayag naman ni Sister Mary Rafael ng Monastery of the Most Holy Redeemer, na nasa Legazpi City sa Albay at nasaksihan ang phreatic (steam-driven) eruption.
Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Nobyembre 2012 ang alesrt level sa Mayon mula sa alert 1 level sa alert 0 level.
Matatandaan na 2009 nang huling maganap ang pagsabog ng Bulkang Mayon.