PATAY ang tatlong turistang dayuhan at isang tour guide nang sumabog at nagbuga ng makapal na usok ang Mayon Volcano ngayong umaga.
Ayon sa report, si Kenneth Jesalva ay isa sa tatlong tour guide na nakaligtas nang maabutan sila ng pagbuga ng abo at pag-ulan ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan.
Sinabi ni Jesalva na limang dayuhan na mula sa bansang Australia at Korea ang kanilang sinamahan nang bigla na lamang silang makarinig ng malakas na dagundong.
Nasundan naman ang magbuga ng usok at ang tila pag-ulan ng mga bato na siyang nakadale sa mga turista at isang tour guide.
Si Jesalva na nasa camp site ay sugatan din habang ang isa pa nilang kasamahang tour guide at kritikal ngayon.
Rumisponde na ang mga rescue teams sa lugar upang maibaba ang mga biktima.