NAPUTOL ang landing gear ng isang Piper Aztec plane na may tail number na RPC 1095 habang nagla-landing sa Domestic Airport ng NAIA sa Pasay City.
Ligtas naman ang tatlong sakay ng eroplano na kinabibilangan ng pilotong si Capt Miguel Perrey, co-pilot nito at isang pasahero na nakilalang si Lawrence Uy.
Nagdulot naman ng pagka-antala sa 14 na flight na nakaiskedyul na lumipad dahil naka bara pa ang nabanggit na Piper plane sa runway ng paliparan.
Anumang sandali ay nakatakda nang hilahin ang eroplano upang makalipad na angibang mga eroplano at magamit ang runway.