Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Marjorie Barretto, nagpasaklolo sa NBI

NAGPASAKLOLO na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Marjorie Barretto upang matunton at maaresto ang mga responsible sa pagpapakalat ng kanyang nude pictures sa social networking site.

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, legal counsel ni Marjorie, ang naturang isyu ay kanila nang idinulog sa NBI-Anti Cybercrime Division.

Nangako naman, aniya, ang ahensya na isusulong ang paghahanap sa pasimuno sa pagkakalat ng nude pictures ng aktres sa internet.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa R.A. 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, na may karampatang parusa na pagkakulong ng hanggang sa pitong taon at multa ng hanggang P500,000 piso ang mga blog sites na patuloy na naglalabas at hindi pa inaalis ang mga nude pictures ng aktres.

Ito ang babala ni Kapunan kungsaan sinabing sinisiraan lamang ang kanyang kliyente.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>