Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Suspek sa Divisoria Mall bombing kinasuhan na

$
0
0

KINASUHAN na ang binatilyo na suspek sa pagpapasabog sa ikatlong palapag ng Divisoria mall noong April 26,2013.

Apat na kaso ang kinakaharap ngayon ng suspek na kinabibilangan ng acquisition at possession of explosives, destruction of property at attempted murder.

Ipinaliwanag naman ni MPD spokesman Chief Inspector Erwin Margarejo na kabilang  ang “attempted murder” sa kaso dahil andun yung element na premeditated.

Kasama na ring kinasuhan ng MPD ang ina ng bata ng child abuse dahil sa kapabayaan nito sa kanyang anak.

Base naman sa isinagawang evaluation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) lumalabas na mataas ang kinalabasan sa index of value judgement ng suspek.

Nangangahulogan lamang umano na alam ng suspek kung ano ang tama at mali.

Ayon sa DSWD, emotionally disturbed ang suspek o naapektuhan ang kanyang emosyon dahil sa maling pagkalinga ng kanyang magulang.

“May behavioral problem in relation sa family, ‘yun ang assesment namin, importante communication ng saloobin,” ayon kay Jay dela Fuente ng Manila Social Welfare.

Dahil dito, inirekomenda ng Manila Social Welfare na isailalim sa psychiatrist at ipagamot ang binatilyo habang  dadaan naman sa counseling ang kanyang ina para mapagtugma at mabigyang solusyon ang kanilang problema.

Matatandaan na isang kapitbahay ng suspek ang nagsumplong sa kanya sa pulisya na marunong itong gumawa ng improvised explosives device o IED.

Inamin din ng binatilyo na siya ang responsable sa mga mahihinang pagsabog sa Aranque Market sa Recto, Sta Cruz  at sa bisinidad ng Mall of Asia sa Pasay City noong nakaraang buwan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>