Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kawani ng DOTC, buking sa CCTV sa ginawang pagnanakaw sa NAIA

$
0
0

SINAMPAHAN ng kasong qualified theft ang isang kawani ng Department of Transportation and Communication (DOTC) nang mabuking ito ng nakatalagang pulis sa Aviation Security Group (ASG) sa ginawa nitong pagnanakaw sa mamahaling cellphone ng isang British national matapos rebisahin ang close circuit television (CCTV) camera na nakalagay sa NAIA Terminal 2 kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Alexis Yap, 25, nakatalaga sa Final Screening X-Ray machine sa departure area ng NAIA at naninirahan sa 1406 Labores St., Pandacan matapos itong ireklamo ng dayuhang si Kuram Deepak, 45, na nawalan ng cellphone na nagkakahalaga ng P20,000.

Sa ulat ni PO3 Melvin Garcia ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nagreklamo ang dayuhan kay SPO1 Marlon Collado, nakatalaga sa ASG matapos maglahong bigla ang kanyang Samsung Galaxy mobile phone nang idaan sa x-ray machine dakong alas-5:47 ng hapon.

Iginiit ng dayuhan kay Collado na sa final x-ray machine naglaho ang kanyang mobile phone kaya’t tinanong niya si Yap subalit ikinaila nito na doon nawala ang gamit ng dayuhan.

Dito na nagpasiya si Collado na rebisahin ang kuha ng CCTV camera hanggang ipasiya ni Yap na isauli ang mobile phone na inilagay niya sa ilalim ng x-ray machine.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>