PINASABUGAN ng granada ang bahay ng isang kandidato tumatakbo sa pagka alkalde sa Lanao del Sur,kaninang madaling araw sa San Andres Bukid,Maynila.
Ayon sa ulat na natanggap ng Manila Police District (MPD) wala umano si Baswali Alawiya,40 kandidato ng UNA sa pagka-alkalde at residente ng 2416 Alabastro St.San Andres Bukid,Maynila nang maganap ang paghahagis ng granada sa kanyang bahay dakong alas 4 ng umaga.
Sinabi ni Asraf Mugni,caretaker ng bahay na wala umano sa bahay si Alawiya at kasalukuyang nangangampanya sa Lanao del Sur.
Base sa nakalap na impormasyon,isang hindi nakikilalang lalaki ang lumapit sa gate ng bahay at saka naghagis ng granada.
Wala naman nasaktan sa naganap na insidente pero nawasak ang garahe ng bahay.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakilanlan ng suspek.