Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

May bitbit ng PCOS machines sa Kalinga inambus, 2 sundalo sugatan

$
0
0

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang dalawang sundalo nang ambusin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan habang dala ang mga precinct count optical scan (PCOS) machines para sa mga botante ng Kalinga kaninang umaga (Mayo 9).

Isinugod sa isang ospital sa Lubuagan, Kalinga sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na nakilala lamang na sina Sgt. Bacacao at Sgt. Pataguan.

Ikinasa na ng mga miyembro ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army at ng Kalinga Provincial Police Office ang pagtugis sa mga suspect.

Ayon sa commanding officer ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army na si Roger Salvador naganap ang insidente dakong 9:30 ng umaga sa Sitio Pasiking Naneng, Kalinga.

Bago ito, dadalhin  kaninang umaga ng mga miyembro ng Commission on Elections (Comelec) at ng 17th Infantry Brigade ng Philippine Army ang mga PCOS machine sa Lubuagan at Tinglayan, Kalinga.

Pero pagsapit sa lugar, nirapido ang sasakyan ng mga biktima.

Hindi naman tinamaan ang mga personnel ng Comelec at hindi naman tinamaan din ng putok ang mga PCOS machines na dadalhin sa munsipyo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>