Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sanglaan hinoldap ng 3

$
0
0

DAHIL sa brownout, hindi nakuhanan ng Closed Circuit Television ang tatlong hindi pa kilalang mga holdaper kabilang ang isang bebot na nambiktima sa sanglaan sa Caloocan City Miyerkules ng hapon, Mayo 8.

Sa pahayag ni Albert Batac, empleyado ng Best Gold Pawnshop sa A. Mabini st., Sangandaan ng lungsod, dakong alas-5:15 ng hapon, nasa labas siya ng sanglaan habang nililinis ang salamin nang magsilapit ang mga suspek at hatakin siya papasok sa loob.

Habang nakatutok ang mga baril ay pinabuksan ng mga suspek ang vault ng sanglaan kung saan nakalagay ang laptop, PSP play station, digicam, 3 mamahalin cellphone na mga nakasanla at cash na P950,000.

Matapos kunin ay tumakas na ang mga suspek kung saan hindi nakuhanan ng nakakabit na cctv dahil walang kuryente.

Wala rin guwardiya ang nasabing sanglaan kung kaya madaling naholdap ng mga suspek.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>