(UPDATE) Patay na ang dalawang sundalong parte ng batalyon na magdadala ng ballot-counting machines sa Kalinga province kaninang umaga (Mayo 9) matapos atakihin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels.
Bukod sa napatay na sina Sergeants Bacacao at pataguan, tatlo pang sundalo ang nasugatan sa pagatake na naganap dakong 9:30 ng umaga sa Kabuk town, ayon kay 5th Infantry Division spokesman Lt. Col. Loreto Magundayao.
Ang tropa ay mula sa Army’s 17th Infantry Battalion at parte ng security team na mage-escort sa Commission on Elections (Comelec) staff sa pagdeliber ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na gagamitin sa eleksyon sa Lunes.
Sinabi ni Magundayao na hindi naman nasaktan ang mga Comelec staff at hindi rin tinamaan ng bala ang mga PCOS machines.
Kinondena naman ng military ang pagatake ng mga rebelde. “Mga wala man lang konsensya,” sambit ni Magudayao.