DINAMPOT ng awtoridad ang may 10 pinoy sa Roma, Italya, dahil sa pagpapautang ng may malaking tubo.
Ayon sa ulat, isa-isang kinuwelyuhan ang mga suspect simula pa nitong unang bahagi ng araw ng Mayo.
Sa pagsisiyasat, aabot sa 80 porsyento ang ipinatong na tubo ng mga suspect sa kanilang mga kliyente, dagdag pa ng ulat.
Ang gawain ito ay labag sa batas ng Italya.
Sa kabila nito, hindi maikasa ng pulisya ang kaso laban sa mga suspect dahil natatakot magsalita ang may 100 biktima na pawang mga Pinoy din dahil sa baka balikan sila ng tropa.