SUMIRIT pa sa walo ang namatay sa election related incidents nitong nakaraang eleksyon, ayon sa ulat kaninang umaga (Mayo 14) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa kanilang 8:00 a.m. update, sinabi ng NDRRMC na ang pinakahuling kaswalidad ay si Rolando Maglangit Acid, na napatay sa isang shooting incident dakong 11 a.m. nitong nakaraang Lunes sa Barangay Malingao sa Tubod, Lanao del Norte.
Sugtanan naman sa nasabing insidente ay si Cornillo Jerusalem Catipat, na isinugod sa Lanao del Norte Provincial Hospital.
Sinabi rin ng NDRRMC na nasugatan pa ang dalawang katao sa isang shooting incident naman sa Calamba, Misamis Occidental dakong 12:40 ng LUnes ng umaga.
Kinilala ang mga sugatan na sina Daniel Largo Cais, 37; at Ricky Looc Lakawlakaw, 23, na kapwa binaril sa Sitio Rizal Rotonda sa barangay North Poblacion sa Calamba town.
Samantala, sinabi ng NDRRMC na ang suplay ng kuryente ay naibalik na sa lahat ng apektadong lugar sa Dasmariñas, Cavite, na nakaranas ng power outage nitong nakaraabng Lunes ng hapon matapos tamaan ng kidlat ang Meralco power line.