BAGAMAT tapos na ang midterm elections, ipinapaalala ng Philippine National Police (PNP) kaninang umaga (Mayo 14) sa mga gun owners na hindi pa nila mabibitbit ang kanilang baril sa labas ng kanilang bahay dahil nanatiling ipinapatupad ang election gun ban sa bansa.
Sinabi ni PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na tuloy din ang pagkakasa ng mga checkpoints sa mga kalsada para ipatupad ang gun ban ng hanggang Hunyo 13.
Habang aniya epektibo pa rin ang gun ban, ang mga law enforcers na naka-uniporme at naka- duty ang papayagan lamang magdala ng baril sa labas ng kanilang residente.
Mananatiling suspendido ang permits to carry firearms outside residence (PTCFORs) ng hanggang sa katapusan ng election gun ban, dagdag pa nito.
Nitong nakaraang Lunes, sinabi ng PNP na natiklo nila ang mahigit sa 3,000 na lumabag sa election gun ban.
Sa kabilang dako, sinabi ni Cerbo na ang liquor ban ay tinanggal na epektibo 12:01 a.m. (Martes), kaya ang mga establisimento ay maari na muling magbenta ng alak.