NIYANIG ng mahinang lindol ang mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Surigao del Norte at La Union kaninang umaga Mayo 14, 2013 (Martes)
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang 3.6 magnitude na lindol sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang pagyanig dakong 8:19 ng umaga kanina.
Nabatid pa sa Phivolcs na ang location ng lindol ay Kanluran ng Mamburao, ng Occidental Mindoro.
Ang lalim sa lupa ng lindol 041 kilometro, ngunit wala naman inaasahang aftershocks sa naturang lindol at walang iniulat na napinsala.
Samantala kaugnay nito niyanig naman 3.4 magnitude na lindol ang General Luna , Surigao del Norte dakong 6:15 ng umaga kanina.
Kaugnay nito naramdaman naman ang 2.7 magnitude na lindol sa San Fernando La Union dakong 1:24 ng hapon kanina.