HINDI masyadong madugo ang eleksyon ngayong taon kumpara sa mga nakaraan halalan, pahayag kaninang umaga (Mayo 14) ng Philippine National Police (PNP).
Lumabas sa police data na hanggang nitong Lunes, 50 katao ang namatay at 65 naman ang nasugatan sa 81 election-related violent incidents simula nitong Enero 13.
Mas mababa ito sa 56 kaswalidad na naitala noong 2007 at 54 deaths na naganap sa parehong period noong 2010. Ang bilang ng nasugatan ay bumaba rin ng bahagya na mula 9 noong 2007 at 74 noong 2010.
Gayunman aminado si PNP spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo, Jr., na ang bilang ngayong taon ay maari pang magbago dahil may natatanggap pa silang mga insidente mula sa labas.
“Comparatively, the 2013 election was safer and less bloody,” pahayag ni Cerbo sa isang press briefing.