KINIDNAP ng mga miyembro ng Bangsangmoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang isang negosyante sa Maguindanao’s Ampatuan town nitong Martes ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya.
Sinabi ni Senior Supt. Rudelio Jocson, director ng Maguindanao police, na ang biktimang si Kenneth Cabrera, 26-anyos ay tinangay ng mga armadong kalalakihan malapit sa kanyang rice at corn trading outlet sa Barangay Kauran, na isang roadside business hub sa Ampatuan town.
Si Cabrera ay iniulat na binaril ng mga kidnappers sa katawan nang magtangka itong lumaban.
Ang mga suspect na nagkunwaring mga magsasakang interesadong bibili ng corn grains at sapilitang isinakay ang biktima sa isang naghihintay na getaway vehicle na nakaparada malapit sa kanyang tindahan.
Ayon sa mga imbestigador, na nakitang humagibis ang Toyota Corona car (PCH-748) na nagdadala kay Cabrera patungo sa lugar ng Maguindanao Massacre, sa Barangay Salman, na isang kilometro hilaga ng Barangay Kauran.