PATAY na nang makita ang Japanese national na nakabigti sa bakuran ng tinutuluyang interpreter sa Caloocan City Martes ng gabi, Mayo 14.
Kinilala ang biktima na si Oka Osama, 66, ng Higashi-Funahashi at pansamantalang nakikituloy sa Eaterlily St., BF Homes, Deparo, nasabing lungsod.
Sa ulat, alas-6:30 ng gabi, hinanap ng interpreter na si Romeo Ramil ang biktima kung saan nakitang nakabigti ng tela sa puno sa labas ng inuupahang apartment sa nasabing lugar.
Walang nang buhay ang biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.
Inaalam na kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng Hapon.