Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Linis campaign materials sinimulan na ng MMDA

$
0
0

SINIMULAN na ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis at pagbabaklas ng campaign materials na iniwan ng mga kandidato noong nakaraang Election sa Pasay City.

Napag-alaman kay MMDA Chairman Francis Tolentino na sa kahabaan ng F.B. Harrison at Gil Puyat Avenue ay nagsagawa sila ng ibayong paglilinis kasama ang kanyang mga tauhan.

Hindi lamang sa Pasay City halos sa buong Kalakhang Maynila ay nagsagawa ng paglilinis sa mga kalsada, poste at pader ang mga tauhan ng MMDA.

Ayon ay Tolentino, kinakailangang linisin na ang mga naiwang campaign materials dahil nag-uumpisa na ang tag-ulan at sigurado aniyang makakabara ito sa mga drainage at isa ito sa magpapalala ng pagbaha sa Kalakhang Maynila.

Nanawagan ang MMDA  sa mga kandidato, na tumulong naman aniya ang mga ito sa paglilinis ng mga basurang naiwan nila noong nakaraang halalan.

Payo naman ng MMDA na i-recycle ang campaign materials tulad ng mga tarpaulin  para hindi na makadagdag pa sa tambak ng mga basura.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129