Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Taiwanese hinatulan ng habambuhay pagkabilanggo

$
0
0

HABAMBUHAY na pagkakabilanggo ang ipinataw ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) laban sa isang Taiwanese national na napatunayang nagkasala sa pag-iingat ng ketamine hydrochloride na itinuturing na mapanganib na gamot.

Ayon kay Parañaque RTC Judge Danilo Suarez ng Branch 259, walang duda na nilabag ng dayuhang si Chih Chien Yang alyas Jeff Yang ang umiiral na batas sa ilalim ng R.A. 9165 matapos mapatunayang nag-iingat ng may 9.9 kilo ng ketamine hydrochloride.

Bukod sa ipinataw na habambuhay na pagkabilanggo, pinagbabayad din ng hukuman ang dayuhan ng P1 milyon bilang multa.

Matatandaan na inaresto sa bisa ng warrant of arrest at search warrant si Yang noong Abril 19, 2008 matapos isilbi ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sa kanyang tirahan sa 18B Humility St., Multinational Village, Parañaque City.

Nakuha sa naturang operasyon ang may 9.9 kilo ng nasabing bawal na droga na kabilang sa talaan ng gamot na may masamang epekto sa utak at kalusugan ng Dangerous Drug Board (DDB).

Kaugnay nito’y nagpahayag naman ng kagalakan si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Arturo Cacdac, Jr. sa naging hatol ng hukuman at sinabing hindi nasayang ang pagsisikap ng mga awtoridad sa ginawang operasyon lalo na’t nanganib pa ang kanilang buhay.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>