Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Magpinsang na-hit-n-run sa Makati nagpapasaklolo

$
0
0

HUMINGI ng tulong sa mamamahayag ang pamilya ng magpinsang namatay dahil sa “hit and run” sa Makati upang makarating sa kaalaman ng tsuper ng isang kotseng Honda Civic na nakabundol sa sinasakyan nilang motorsiklo na sumuko na at harapin ang kaukulang kaso.

Kapwa idineklarang patay bago pa man nakarating sa Sta. Ana Hospital ang mga biktimang sina John Mile Oroyo, 14, Grade 7 ng Pio Del Pilar High School at pinsang si Roberto Hernandez, 19, kapwa ng 1231 C Francisco St., Barangay Kasilawan, Makati City matapos mabundol ng rumaragasang kotseng Honda civic ang kanilang sinasakyang motorsiklo noong madaling-araw ng Linggo sa J.P. Rizal, Pasong Tirad.

Sa ulat ni SPO1 Daniel Simprone ng Makati Traffic Enforcement Unit, binabagtas ni Hernandez ang kahabaan ng J.P Rizal sakay ng minamanehong motorsiklo  kaangkas ang pinsang si Oroyo nang biglangsalpukin ng humaharurot na Honda Civic na hindi nakuha ang plaka.

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon ang magpinsan sa sinasakyang motorsiklo habang mabilis na tumakas naman palayo sa lugar ang driver ng kotse sa halip na tulungan ang mga biktima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>