Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Allowance ng mga pulis-Pasay ibinulsa?

$
0
0

PALAISIPAN sa mahigit 400 tauhan ng pulisya ng Pasay City kung “ibinulsa” o na-delay lamang ang P700 na kakulangan mula sa natanggap nilang allowance sa nagdaang halalan.

Tumanggap lamang ng P1,300 cash ang mga pulis na nagbantay sa mga polling precinct sa kasagsagan ng halalan na kanilang kinuha sa Finance Department ng Pasay City Police.

Napag-alaman na ang naturang allowance ay nagmula sa pondo ng Commission on Election na ibinahagi sa mga pulis sa buong kapuluan na tumulong sa pagbabantay para sa mapayapa, malinis at maayos na halalan.

Malaking palaisipan naman sa mga tauhan ng Pasay city police dahil P2,000 ang kanilang nilagdaan na kanilang tatanggapin bilang allowance ngunit P1,300 lamang ang ibinigay sa kanila ng kanilang Finance Department.

“Nakausap na namin ang iba naming ka-batch na Maynila at iba pang distrito at P2,000 naman ang kanilang tinanggap, pero ang sa amin, bawas na ng P700,” pahayag ng isa sa mga nagrereklamong pulis na tumangging ipabanggit ang pangalan.

Hindi naman umano makapagtanong ang mga pulis sa kanilang Finance Department kung bakit kulang ang ibinigay sa kanilang allowance sa pangambang mapag-initan o maitapon sa kangkungan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>