NASAWI ang tatlo katao makaraang magkaengkuwentro ang magkalabang political supporters sa Barangay San Miguel, Talakag, Bukidnon kaninang tanghali.
Nabatid na nagkainitan ang grupo ng isang barangay opisyal at ibang mataas na opisyal sa nasabing bayan na humantong sa madugong sagupaan.
Inihayag naman ni 4th ID spokesman Maj. Leo Bongosia na patuloy pa nilang biniberipika ang nasabing ulat.