Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P13-M ipinatalo ng Koreano sa casino

$
0
0

SINAMPAHAN ng qualified theft ang 26-anyos na Koreano matapos lustayin ang mahigit P13 milyong halaga ng salapi na ipinagkatiwala sa kanya ng pinaglilingkurang kompanya nang isugal sa casino kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Inamin ng suspek na si Shin Yun Jae, manager ng Pink Dolphin Company, ang ginawa niyang paglustay sa P13,517,000 sa casino makaraang makonsensiya kaya ipinagbigay alam niya sa kanyang amo na si Kim Sang Yoon.

Ang naturang salapi na inubos ng suspek ay napag-alaman na nakalagay sa safety vault na nasa kanilang tanggapan sa ikalawang palapag ng Maxim Casino, VIP Salon, No. 1 Villamor, Newport City.

Sa ulat na isinumite ni PO3 Rodolfo Suquina, may hawak ng kaso kay Pasay police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca, tumatayong manager ng naturang kompanya ang suspek at pinagkakatiwalaang humawak ng malaking halaga ng salapi bilang pondo ng kompanya na kanilang ipinauutang sa kapwa nila Korean national na nagnanais magsugal.

Batay sa imbestigasyon, dalawang taon nang naglilingkod sa naturang kompanya ang suspek kaya pinagkatiwalaan na siyang maglabas ng salapi na nasa loob ng safety vault upang i-deliver sa kanilang mga parokyanong nagnanais mangutang ng ipansusugal sa casino.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129