SINIBAK na sa pwesto ang provincial director ng Sulu.
Ito ang pagkukumpirma ni PNP Chief, Director General Alan Purisima sa isang press conference sa Camp Crame.
Ayon kay Purisima, ang hakbang na ito ng PNP ay dahil na rin sa kabiguan ni Police Supt. Antonio Freyra na makontrol ang sitwasyon ng peace and order sa kaniyang nasasakupan.
Nito kasing nakalipas na ilang araw bago ang eleksyon, mataas ang tensyon sa Sulu, partikular sa isla ng Tongkil at Panglima Estino, na nagresulta sa hidwaan sa pagitan ng magkakalabang kandidato at kanilang mga tagasuporta.
Nauwi pa ito sa pagpapadala sa Sulu ng Philippine marine corps para mangasiwa sa peace and order dahil sa bintang na rin na may kinikilingang politiko ang mga pulis doon.
Ayon kay Purisima, pansamantalang papalit sa pwesto kay Freyra ang distrct deputy regional director for administration na si Police S/Supt. Robert Kuinisala.