Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot pinagbabaril sa Pasay, utas

$
0
0

PATAY ang 48-anyos na lalaki habang kritikal naman ang 15-anyos na estudyante nang tamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong salarin ang nauna kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Dead on the spot si Emiliano Salvador,  ng 33 Promise Land, Brgy 201, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang nasa kritikal na kondisyon si Nathaniel Hardin, nakatira sa 147 Access Road matapos tamaan ng ligaw na bala sa likod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, galing sa burol ng isang Christina Soto ang nasawing biktima at pauwi na ala-1 ng madaling-araw nang biglang pagbabarilin ng suspek habang naglalakad sa Saint Joseph St.

Sa kabila ng tinamong tama ng bala ng kalibre. 45, nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol at pinagbabaril pa rin siya ng suspek na naging dahilan upang tamaan naman ng ligaw na bala si Hardin na noon ay nakatayo sa kanto ng Access Road, kasama ang mga kaibigan.

Sinabi ni Pasay City Police Chief Senior Supt. Rodolfo Llorca na inaalam pa nila ang motibo sa naturang pamamaslang at patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga tauhan ng SIDMS at Police Community Precinct (PCP) 10  upang madakip ang suspek.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>