AABOT sa P25 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo at condiments ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa Maynila ngayong umaga.
Ito ay sa isinagawang pagsalakay sa warehouse sa panulukan ng Padre Rada at Elcano St., sa Tondo, Maynila.
Naharang din ng ahensiya ang isang container van (RXX-713) na hinihinalang magta-transport ng smuggled items sa outlets.
Sa ngayon ay isinara na ang nasabing warehouse.
Wala namang naaresto sa pagsalakay.