PUGOT ang ulo ng 20-anyos na lalaki nang pagtatagain ng matagal niyang kaalitan nang makasalubong sila sa daan sa Iriga City.
Kinilala ang biktima na si Juanito Iglesia, sinasabing patungo sana ng Bgy. San Pedro nasabing lalawigan nang maganap ang pananaga.
Nabatid na pabalik na ng kanyang bahay ang biktima nang bigla na lang pagtatagain ng suspek na kinilala naman sa pangalang si Jay-Ar Paz.
Hindi pa nakontento at pinugutan ng suspek ang biktima saka itinapon ang ulo sa isang videoke bar.
Nakuha ang katawan ng biktima na nakabulagta sa gilid ng kalsada.
Kasalukuyang pinaghahanap ang suspek na agad tumakas matapos ang pamamaslang.