KRITIKAL ang isang mangingisda nang makailang ulit na saksakin ng kapwa mangingisda, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.
Kinalal ang biktima na si PJ. Caylan Garciano, 29 anyos, mangingisda at nakatira sa #35 A. Rodriguez Street, Barangay Tanza, Navotas City. Ang suspek ay kinilalang si Bukniy Cayas, nasa hustong gulang, ng Barangay Tangos ng nasabing lungsod.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Allan B. Bangayan, naganap ang pananaksak dakong 5:10 ng hapon sa A. Rodriguez Street, Brgy. Tanza, Navotas City.
Lumilitaw sa report ng pulisya na nakaupo sa seawall ang biktima at nagpapahangin ng mula sa kanyang likuran ay sumulpot ang suspek na armado ng kitchen knife at agad na tinarakan sa likod at sunod-sunod na inundayan saksak sa ibat-ibang parte ng katawan.
Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang patalim na ginamit sa pananaksak, habang ang biktima ay dinala ng mga kaanak sa Tondo Medical Center at ngayon ay nasa kritikal na kalagayan.
Nabatid ng pulisya mula sa kaanak na bago ang insidente ay nag-away ang biktima at ang suspek na diumano’y tamad sa trabaho bilang mangingisda.