Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Military truck pinasabugan, niratrat ng NPA sa Albay, 3 sundalo lagas

$
0
0

TATLO sa siyam na sundalong nagpapatrolya ang nalagas nang tambangan ng mga miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) sa Albay province kaninang umaga (Mayo 20), ayon sa ulat ng isang military official.

Sinabi ni Maj. Angelo Guzman, spokesman ng Army’s 9th Infantry Division, sumabog muna ang isang itinanim na booby trap ng mga rebelde nang madaanan ng gulong ng isang military truck na lulan ang siyam na sundalo bago sila nirapido.

Tatlo sa mga sundalo ang agad namatay sanhi ng tinamong tama ng bala ng M16 at M14 rifles habang ang ilan naman ay nakipagbakbakan at napaatras ang mga rebelde.

Naganap ang pag-atake dakong  alas-8:30 ng umaga  sa isang masukal na lugar sa Sitio Sta. Lucia sa Barangay Maninila sa Camalig, Albay.

Bago ito, dahil sa napaulat na may presensya ng rebelde  ay naatasang magpatrolya sa lugar ang mga biktima pero binulaga sila ng isang pagsabog bago pinaulanan ng bala.

Maliban sa kaswalidad, natangay ng mga rebelde ang isang K3 squad automatic weapon at 2 M16 rifles, dagdag pa ni Guzman.

Ikinasa agad ang hot pursuit operations laban sa mga rebelde.

Ang NPA ay isang armed wing ng Communist Party of the Philippines, na nakikipaggiyera laban sa Philippine government sa loob ng apat na dekada na.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>