TODAS ang matandang binata matapos madulas at mahulog sa bakod habang inaayos ang ilaw sa Caloocan City Lunes ng umaga, Mayo 20.
Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng pinsala sa ulo si Gomer Carbaquil, 66 stay-in sa Knitting Mfg. Inc. sa Rose st., Reparo ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-7:35 ng umaga, sumampa sa bakod ng nasabing lugar ang biktima upang ayusin ang ilaw subalit nadulas at una ang ulo na lumagpak sa sahig na naging dahilan upang dalhin sa MCU subalit hindi na naisalba ng mga doctor.