PATAY ang 82-anyos na biyudo at kanyang dalawang empleyado makaraang katayin ng kanyang sariling driver kagabi sa Ibaan, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Armando Caringal, habang ang kanyang mga empleyado ay sina Vincent Salibio, 28 at Ceslyn Macatangay.
Agad namang naaresto ang driver na si Neil Ashley Diama habang pinaghahanap ang kanyang kasabwat na si Angelito Panganiban.
Sa imbestigasyon, 10:30 kagabi nang balikan ng mga suspek ang amo saka pinagsasaksak matapos naglasing sa isang binayagan.
Nabatid na nag-ugat ang pamamaslang sa tsismis.
Kasong multiple murder ang kahaharapin ni Diama na nakakulong na sa Ibaan Police Station.