Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 bagets na kumana sa passenger bus sa QC, tinutugis

$
0
0

UPANG hindi na makapamuksa pa, ikinasa na agad ng pulisya ang pagtugis sa dalawang teenagers na nangholdap sa isang pampasaherong bus sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Sinabi ni Kamuning police station chief P/Supt. Marcelino Pedroza, bumuo na siya ng tatlong police tracker teams para abangan ang susunod na pagatake ng mga suspect.

Ikakasa aniya ang tatlong grupo para maghalinhinan na sumakay sa mga pampasaherong bus na tumatakbo sa kahabaan ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) na sakop lamang sa kanyang hurisdiksyon.

Kapag aniya, naubos na ang pera na mula sa mgna napagbenatahan na nakaw na mga cellphones ay tiyak na maeenganyo naman sumalakay ang dalawang bagets na holdaper.

May 20 pasahero ng BOTSC bus na may license plate UWC 225 ang dumulog sa Kamuning police station ilan sandal lamang matapos ikasa ang panglilimas.

Sinabi ni case investigator SPO2 George Villanueva na ang bus, na minamaneho ng isang Edwin Alfaro, 30, ay patungong Alabang mula sa Novaliches nang sumakay ang dalawang  teenagers, na kapwa balingkinitan at nakasuot ng short pants and t shirts sa Philam Homes dakong 10:30 a.m.

Kaagad naman nagdeklara ng holdap ang mga suspect at tinutukan ng patalim sa tagiliran si Alfaro at inatasan ang lahat ng mga pasahero na iabot ang kanilang mga mahahalagang gamit. Bumaba ang dalawang teenagers bago sumapit sa Kamuning area.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>