DISMAYADO ang Quezon City Police District dahil sa kabiguan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kakulangan nito sa hakbangin para masawata ang problema ng mga street children sa lansangan.
Ayon sa QCPD Womens and Childrens Protection desk ng Station 10 Kamuning ito’y dahil sa patuloy na reklamo na kanilang natatanggap hinggil sa mga batang lansangan at humihingi ng assistance para hulihin ang mga batang lansangan.
Sinabi ng QCPD na hindi umano nila magawang puwersahang arestuhin ang mga paslit partikular ang mga sumisingkot na rugby o solvent dahil sa takot na malabag sa Juvinile Justice Welfare Act na umiiral.
Nabatid pa sa QCPD na may mga kaso silang nai-forward sa DSWD na mga street children na dinakip subalit tinanggihan naman ng ahensya at ipinapasa sa mga pulis ang disposisyon sa naturang kaso ng mga nadadakip na street children./ Santi Celario