Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

DSWD social worker, dinukot ng ASG

$
0
0

ISA pang empleyado ng Department of Social Walfare and Development (DSWD) ang dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Basilan, kaninang umaga (Mayo 22)

Sinabi ni Ungkaya Pukan mayor Jomar Maturan, ang dinukot na biktima ay  si Jenelyn Luna Enpera, isang social worker ng DSWD na naka-assign sa nasabing bayan at tubong Isabela City, Basilan.

Bandang aniyang alas-9:00 ng umaga nang maganap ang pagdukot sa Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan lalawigan ng Basilan

Bago ito, pumunta sa lugar ang biktima para makipagpulong sa mga 4Ps beneficiaries at para tingnan na rin ang ilang proyekto ng DSWD nang puwersahang dalhin ito ng apat na hindi nakikilalalng lalaki na armado ng mga caliber .45 pistol.

Dalawa sa mga suspek ang nakilalang sina Alyas Idol at ang isang alyas Ulay na kilalang mga miyembro ng ASG sa lugar.

Tumakas ang grupo sakay ng dalawang motorsiklo dala ang kanilang bihag papunta sa lalawigan ng Sumisip.

Ayon kay Maturan, binalaan na nila ang biktima na huwag pumunta sa lugar dahil sa problema sa seguridad pero hindi ito nakinig.

Sa ngayon ay nakikipag-unayan na ang PNP at militar sa lalawigan ng Basilan at Sulu ukol sa sunud-sunod na insidente ng pagdukot.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129