NAGPATIWAKAL ang isang ama makaraang pagalitan ng anak dahil sa sobrang paglalasing sa Pidigan, Abra.
Nabatid na nagbigti si Ernesto Vargas, 51, magsasaka at nakatira sa nasabing lugar, makaraang pagalitan ng anak dahil hindi na mapigilan ang pag-inom nito ng alak at sa hindi nito pananatili sa kanilang bahay.
Dahil dito, dinamdam ito ng biktima at nabigla na lang ang pamilya nang makitang nakabitin na ito sa kanilang kubo gamit ang tali ng kalabaw.
Tumanggi naman ang pamilya ni Vargas na isailalim ang katawan nito sa autopsy.