Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Kidnap Me’ ng magdyowa, nabuking

$
0
0

NABUKING ng mga tauhan ng Parañaque police ang planong “kidnap me” ng isang magkasintahan upang makakuha ng malaking halaga ng salapi sa magulang ng lalaki makaraang mabisto ang pagdadala ng baril ng babae nang mag-report sa himpilan ng pulisya noong Linggo ng hapon sa Parañaque City.

Nagtungo sa headquarters ng Parañaque police si Mary Grace Cabiling, 30 ng Barangay San Isidro alas-5:30 ng hapon noong araw ng Linggo upang iulat ang sinasabing pagdukot ng armadong kalalakihan sa kanyang kaibigan na si Neil Buenvemida, 32,  ng Barangay San Isidro at humihingi ng P300,000 kapalit ng pagpapalaya sa biktima.

Nang hanapan ng ID ng mga tauhan ni Parañaque police chief Senior Supt. Billy Beltran si Cabiling, nabuking ang dala nitong kalibre .32 na baril na nakalagay sa loob ng kanyang handbag na napag-alaman na walang kaukulang lisensiya.

Dahil dito, nagpasya si Buenvemida na magtungo noong Lunes ng umaga sa headquarters ng pulisya makaraang malaman na nadakip dahil sa pagdadala ng baril ang kasintahan, bitbit pa nito ang P100,000 na inialok sa mga imbestigador na may hawak ng kaso kapalit ng kalayaan ng babae.

Sa halip na masilaw sa malaking halaga ng salapi, kaagad na pinosasan nina SPO2 Reynaldo Arojado at SPO1 Christopher Bilangel si Buenvemida at kinasuhan ng Corruption of Public Officials sa Parañaque City Prosecutors Office, habang paglabag naman sa illegal possession of firearm at paglabag sa Omnibus Election Code ang isinampa laban sa kanyang kasintahan

Ayon kay Beltran, natuklasan nila na minsan na ring ginawa ng magkasintahan ang paggamit sa pulisya sa pamamagitan ng paghingi ng spot report na kunwa’y dinukot ng armadong kalalakihan ang lalaki upang makakuha ng malaking halaga ng salapi sa mga magulang nito.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>