PATAY ang isang naglalako ng isda nang pagbabarilin ng ilang armadong kalalakihan kaninang alas 7: 30 ng umaga sa Barangay Del Roario, Camalig, Albay.
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa pangalang Ricky Nate, naglalako ng isda, at residente ng Brgy. Cotmon sa bayan ng Camalig.
Ayon sa ilang mga nakasaksi, binaril si Nate ng ilang armado na pinaniniwalaang kasapi ng death squad ng 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army (IBPA).
Nauna nang nagpa-blotter si Nate noong 2012 sa Brgy. Del Rosario at Cotmon at sa munisipyo ng Camalig dahil sa natatanggap na panggigipit at pagbabanta sa kanyang buhay mula sa isang nagngangalang 1Lt. Sason ng Charlie Company 2nd IBPA na nakabase sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay.
Inaakusahan umano ni Lt. Sason si Nate na may kaugnayan sa mga rebeldeng New People’s Army.
Kaugnay nito, mariing kinokondena ng National Democratic Front-Bicol ang pamamaslang kay Nate.