ARESTADO ang 75 guest relation officer (GRO) ng pinagsanib na pwersa ng Malabon City pulis at ng Department Of Social Welfare and Developtment (DSWD) sa pagsalakay sa anim na night spot sa Santulan at Potrero sa nasabing Lungsod Biyernes ng madaling araw (May 25).
Ang mga sinalakay ay ang Father & Son night club, Caroline videoke bar, Amana beer house na matatagpuan sa MH Del Pilar, Santulan, ganun din ng Whines night club, Hang Out Videoke bar at ang Xian KTV bar sa Mac-Arthur Highway, Potrero, Malabon City.
Sa imbestigasyon ni P02 Romirosa Mallari, ng Women Children Protection Desk, dakong ala 1:00 ng madaling araw pinangunahan ni P/Insp. Marissa Santos, hepe ng CIB ang pagsalakay sa mga nasabing establisemyento kung saan mahigit sa 70 kababihan ang dinakip ng mga awtoridad.
Sa operation oplan Magdalena tanging ang Xian KTV Bar ang kinasuhan sa korte matapos na tahasang lumabag sa batas ng lungsod.
Napag-alaman na ang nasabing bar ay walang working business permit at wala ring health certificate ang kanilang GRO na sina Joan Flores y Cabunilla, 25; Nancy Trinidad y Pablo, 20; Sherley Cortez y Estrilla, 29; Michelle Fallarcuna y Manalo, 19; Arcili Dela Cruz y Concepcion,29; Charmine Montalvo y Flores, 30, Abigael Samaniego y Dela Cruz at si Nenita Trinidad, 37, cashier.