Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Marantan pinayuhan na huwag magmatigas sa imbestigasyon ng NBI

$
0
0

PINAYUHAN ni DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas II ang mga pulis na nasasangkot sa madugong enkwentro sa Atimonan, Quezon na makipag-tulungan sa isinasagawang imbestigastyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ang payong ito ay ibinigay ng kalihim makaraan mapaulat na hindi nakipa-tulungan si Supt. Hansel Marantan, deputy intelligence officer sa isinagawang imbestigasyon ng PNP fact-finding team hingil sa nasabing enkuwentro.

Si Marantan ang kaisa-isang pulis na nasugatan sa napaulat na sagupaan sa pagitan ng mga pinagsamang puwersa ng militar at pulis at grupo ng mga armadong kalalakihan sa Atimonan, Quezon nitong Enero 6.

Kinumpirma ni Roxas na hindi nakipagtulungan o tumanggi si Marantan na maimbestigan ng PNP fact-finding committee na nagmula sa Kampo Crame, ang punong himpilan ng PNP.

Ayon sa kalihim, hindi pinagbigyan ni marantan na sagutin ang mga katanungan ng mga miyembro ng fact finding team at tumanggi rin itong ma-inspeksyon ang kaniyang mga sugat na diumano natamo sa enkuwentro.

Bukod pa ditto, hindi rin pinayagan ni Marantan na mailabas ng ospital sa mga miyembro ng fact-finding team ang mga nakuhang bala sa kanyang katawan.

Iginiit ni Roxas na hindi makabubuti kay Marantan ang patuloy nitong kawalang kooperasyon dahil mistula umanong mayroon itong itinatago sa tunay na pangyayari.

Sa kabila nito, binigyang diin ng kalimhim na mayroon pa rin namang mga karapatan si marantan, sakaling ituring ito bilang suspek, na kailangan pa ring respetuhin.

Dahil ditto, sinabi ni Roxas na bahala na ang nbi na mag-pairal ng legal na proseso laban kay Marantan, sakaling patuloy itong hindi makipag tulangan sa imbestigasyon.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>