Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pagsasanay ng mga sariling frogmen, hihilingin

$
0
0

HIHILINGIN ng Department of Public Order and Safety (DPOS) sa konseho ng lungsod Quezon na mag-train ng sariling frogmen ang lungsod  na  sasagip sa mga nalulunod tuwing baha.

Ginawa ng ahensya ang kahilingan matapos na mapaulat ang pagkalunod ng isang anim na taong gulang na bata kamakalawa ng hapon. Prayoridad ng DPOS ang pagkakaroon ng sariling frogmen na sasaklolo  tuwing may kaso ng pagkalunod dulot ng pagbaha sa lungsod.

Ayon kay DPOS Chief Retired Gen. Elmo San Diego, mas mapabibilis ang kanilang responde kung may sarili silang frogmen team kaysa umasa pa sa tulong na magmumula sa Philippine Coast Guard.

Dagdag pa ni San Diego, kumpiyansa siya sa kanilang taglay na rescue equipment subalit aminado sila na  pilay pa sila kung sa ilalim na ng tubig ang gagawing rescue operation.

Matatandaang inanod ng tubig baha sa creek ng Tullahan River ang anim na taong gulang na si Ariseo Nerpio matapos mahulog at malunog sa tubig baha sa isang creek sa harapan ng kanilang bahay sa Brgy. Nova proper at patay na nang matagpuan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>