Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot tinutukan, kotse kinarnap sa QC

$
0
0

ISA na namang panibagong modus ng pangangarnap ang naganap makaraang sundan at tutukan ng baril ng mga caranapper ang  may-ari ng target nilang kotse sa loob ng comfort room ng isang convenience store sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Wala nang nagawa pa ang may-ari ng Mazda 3 na may plakang ZBJ- 697 na si John Walter Spakowski Salvador III, nasa hustong gulang, nang tutukan siya ng baril ng hindi pa nakikilalang lalaki habang siya ay nasa loob ng CR ng Burger King sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr. Blvd. , Brgy. Kalusugan  Quezon City.

Aniya, pumasok siya kasama ang kasintahang si Alexandra Michelana Dumpit sa loob ng Burger King malapit sa St.Lukes hospital mga pasado alas-5:00 ng madaling araw upang mag-almusal.
Nagtungo umano si John sa loob ng CR ng establisimiyento at binalewala ang isang lalaki na sumusunod sa kanya roon.

Pagkapasok umano sa loob ay bigla na lamang naglabas ng baril ang suspek bago sapilitang hinihingi sa biktima ang susi ng Mazda na ayon sa kanya ay naiwan sa mesa sa kanyang kasintahan.

Dahil dito, pinuntahan umano ng suspek ang mesa ng kasintahan ng biktima bago sapilitang kinuha ang susi ng kotse at saka sumakay sa kotse bago ito pinaharurot papatakas.

Ayon kay PO1 Ruel Rue ng QCPD Station 11, inalarma na nila ang kanilang units upang masundan ang kinarnap na sasakyan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Girasoles para colorear


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 7 Lies of Boys


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>