Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

13-anyos stude ginahasa ng guidance counselor

$
0
0

KINASUHAN ng rape sa Quezon City Regional Trial Court ang isang guidance counselor matapos pagsamantalahan ang 13-anyos na dalagita sa loob ng eskuwelahan na pinapasukan ng biktima nitong nakalipas na taon.

Kinilala ang suspek na si Glen Magtalas, 34, guidance counselor at anak ng may-ari ng Academia de Sta. Ana Lagro, Inc. isang private  school sa Barangay Greater Lagro, Novaliches, QC matapos  akusahan ng dalagitang estudyante na pinagsamanatalahan ng una.

Ang  pagsasampa ng kaso ay base sa rekomendasyon ni Assistant City Prosecutor Mariesther  Vedana matapos  makitaan ng probable cause  para  kasuhan ng rape  ang suspek.

Nag-ugat  ang  kaso matapos magreklamo ang  isang retired police officer  na lolo ng complinant na 13-anyos na dalagita na nagsabi na siya ay  ginahasa  ng  suspek nitong tanghali ng Hulyo 4, 2012 sa loob ng isang stockroom  sa loob ng eskuwelahan .

Sa kanyang  reklamo ikinuwento umano ng biktima na bago ang insidente sinabihan sila ni Magtalas at ang kanyang  kaklase na ipakita  sa kanya  ang kanilang  notebook  dahil  nais nitong makita ang  handwritings  ng  biktima dahil isa siyang  psychologist.

Sinabi  pa ng  biktima na sinabihan siya  ng suspek na may gagawin sila  at agad  hinawakan ng huli ang kanyang  dibdib  na hindi naman  nakatanggi  dahil sa takot ng huli.

Agad  pinaghahawakan ng suspek  ang maseselang bahagi ng katawan ng biktima at inutusan alisin ang  kanyang  underwear.

Dito na sinimulang pagsamantalahan ng suspek  ang biktima  na  hindi  na makatanggi dahil sa  takot.

Pinagbantaan din ng suspek ang biktima na huwag sisigaw habang  pinagsasamantalahan dahil  papatayin ito.

Nabisto lamang ang panggagahasa sa biktima matapos sabihin ito sa kanyang pamilya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>