TODAS ang isang binata matapos barilin ng isa sa tatlong hindi pa kilalang lalaki na sakay ng tricycle habang nakatambay sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw, Hunyo 1.
Dead on arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg si Mark John Seth Gregorio, 18 ng L. Nadurata st., 4th Avenue ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, makatambay ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa D. Aquino st., ng lungsod ang dumating ang mga suspek sakay ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka.
Agad na bumaba ang isa at walang salitang pinutukan ang biktima bago muling sumakay at nagsitakas.
Dinala naman ang biktima sa TGH kung saan inaalam na kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.