Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Driver ginulpi na, binaril pa, patay

$
0
0

TIGOK ang isang tricycle driver matapos itong bugbugin at barilin ng grupo ng kalalakihan habang naghahatid ng pasahero sa Tonsuya, Malabon City Linggo ng gabi June 2.

Dead-on-the-spot sa pinangyarihan si Rosano Encarguez y Fernando, 38, may asawa, ng #88 Villanueva St., cor. Pasco, Tonsuya ng lungsod sanhi ng isang tama bala ng kalibre .45 sa kanang mata.

Sa tulong ng isang traffic enforcer, nadakip at nakilala ang suspek na si Rigie  Lopera  y Oliveros, 17, binata, ng Damata St., Letre ng nasabing barangay.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina P02 Christopher Rodriguez  at P02 Cle Bejar ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon pulis, dakong alas 7:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa kalye Lubiran ng naturang barangay.

Base sa pahayag ng saksing si Noe Macapas, 26, nagpahatid siya sa driver ng tricycle. Habang tinatahak ang nasabing lugar, isang pampasaherong jeep na sakay ang mga suspek ang sumusunod sa kanila. Inatasan siya ng mga suspek na tumakas para hindi madamay.

Hindi pa nakalayo si Macapas, bumaba ang mga suspek at agad kinuyog ang driver. Nang pumalag ang bikitma, nagbunot ng baril ang isa sa suspek at malapitang binaril sa kanang mata.

Habang sumasampa sa jeep ang suspek na may hawak ng baril nakita  ito ng traffic enforcer na si Reynalodo De Castro kaya agad humingi ng responde sa mga pulis at naharang ang nasabing sasakyan na naging daan para madakip ang salarin.

Narekober ng mga pulis ang kalibre 45 ng suspek na may tatlo live ammunitions.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Two timer Sad tagalog Love quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>