Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaki sinaksak sa lalamunan, tigok

$
0
0

SINAKSAK sa lalamunan hanggang sa mapatay ang isang 42 anyos na lalaki habang natutulog sa harapan ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Hindi na naisalba pa ng mga  doctor sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Elmer Cruz, may-asawa, ng 1001 Tayabas S., Tondo sanhi ng tama ng saksak sa lalamunan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang pananaksak dala ang ginamit na patalim.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 4:00 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Nauna dito, sanhi ng init ng panahon ay natulog ang biktima sa harapan ng kanilang bahay gamit ang mono block nang mula sa madilim na bahagi ay sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing sinaksak ito sa lalamunan at kaliwang balikat.

Bagama’t may tama ng saksak, nagawa pang tumakbo sa terminal ng tricycle at nagpahatid pa ito kay Almon Gabica, isang tricycle driver, sa ospital subalit namatay din habang ginagamot.

Bagama’t may nakasaksi sa pananaksak, natatakot namang magbigay ng pahayag sa takot sa kanilang buhay.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>