ISASAMPA na sa korte ang kasong multiple murder laban sa mga pulis at military na sangkot sa Atimonan shooting incident noong Enero 6.
Ito ay makaraang tapusin ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa naturang kaso.
Idineklarang submitted for resolution ng DOJ panel of prosecutors ang multiple murder complaint na isinampa laban sa mga myembro ng militar at pulisya na isinasangkot sa madugong checkpoint sa Atimonan Quezon.
Ayon kay Senior State Prosecutor Theodore Villanueva, tinapos na nila ang pagdinig sa kaso at maglalabas sila ng desisyon hinggil rito sa lalong madaling panahon.
Hindi naman na itinuloy ang itinakdang clarificatory hearing na kahilingan na rin ng kampo ng militar na sangkot rin sa kaso dahil hindi sumipot si P/Supt Hansel Marantan.
Nais sana ng militar na malinawan ang ilang isyu, gaya ng kung sino ang tumayong in command noong matapos mabaril si Marantan.
Matatandaan na 13 katao ang namatay sa nasabing insidente.