Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

“Hao shao” sa BOC, bilang na ang araw

$
0
0

BILANG na ang mga araw ng mga tinaguriang “hao shao” na umaali-aligid at naglipana sa mga tanggapan sa Bureau of Customs (BOC).

Ito’y makaraang maglapabas ng memorandum si BOC Commissioner Ruffy Biazon hinggil sa naglipanang mga “hao shao” na nagpapanggap na mga empleyado ng ahensiya upang makapaglinlang sa loob.

Sa  pinirmahang memorandum ni Biazon na may petsang May 21, 2013 nakasaad dito na huwag tangkilikin o makipagtransaksiyon sa isang tao o grupo na hindi empleyado ng ahensiya o walang “contract of service” sa Bureau o ang tinatawag na “hao shao”.

“You are herby directed not to utilize or engage the services of persons or group of persons who are not organic personnel or have no existing contract of service with the Bureau,” nakasaad sa memorandum.

Sinabi ni Biazon na ang “hao shao” ay isang taong nagpapanggap na empleyado ng Bureau at nakikipagtransaksiyon ng walang kaukulang direktiba o permiso mula sa tangapan ng ahensiya.

Kabilang na, aniya, rito ang mga nagpapanggap na media subalit wala namang lehitimong kina-aaniban na publikasyon.

Kabilang pa sa mahigpit na ipapatupad ay ang “No ID, No Entry” policy kung saan hindi makakapasok ang isang empleyado, contractual  o sino mang tao kung wala itong lehitimong Identifiaction Card (ID).

Dagdag pa dito ang pagpapatupad ng isang unified ID system na gagamitin sa transaksiyon sa lahat ng ports.

Tagubilin ni Biazon na ipagbigay alam sa kanyang tanggapan ang nasabing mga “hao shao”.

Epektibo ang nasabing memorandum nitong June 1.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Two timer Sad tagalog Love quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>